Wednesday, April 15, 2015

Mga Anyong Lupa sa Pilipinas

Mga Anyong Lupa sa Pilipinas
                                     
                             Anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng looktangwaydagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.


Bulkan- isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.



Bulubundukin matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.


Burol higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.


Kapatagan isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. 





http://www.scribd.com/doc/99180465/Mga-Anyong-Lupa-Sa-Pilipinas#scribd
http://tl.wikipedia.org/wiki/Anyong_lupa
http://www.slideshare.net/jessamaedejesus9/mga-anyong-lupa-31939899?related=1





2 comments:

  1. Caesars Casino New Jersey | Login | DrmCD
    This site uses cookies to 여주 출장안마 improve your 오산 출장마사지 experience, not to harm your computer, your loved 전라남도 출장샵 ones, 전라북도 출장샵 or others. By continuing 상주 출장안마 to use the website, you agree to

    ReplyDelete